FARMING IS NOT A CRIME! FREE THE TINANG 97!

Filipino

Mariing kinokondena ng Malaya Movement USA ang pag-aresto sa 97 na magsasaka at mga tiga suporta kaugnay sa mga pagkilos ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac noong umaga ng ika-9 ng Hunyo.

Ipinapanawagan namin ang agarang pagpapalaya sa mga detenido. Ipinapanawagan din namin na itigil ng Philippine National Police (PNP) na itigil ang pang-haharass laban sa mga magsasaka at sa kanilang mga tiga-suporta. Nanawagan din kami sa Commission on Human Rights na siguraduhin na ang karapatan ng mga detenido, kanilang mga pamilya, mga paraligal at abugado ay respetuhin.

Noong umaga ng ika-9 ng Hunyo, binulabog ng PNP ang mapayapang pagtitipon ng mga magsasaka na kasapi ng Malayang Kilusang Samahang Magsasaka (MAKISAMA-Tinang), mga estudyante, at mga agrarian reform advocates sa Brgy. Tinang habang sila ay naghahanda para sa bungkalan o sama-samang pagtatanim. Ang Bungkalan ay isang porma ng bayanihan ng mga magsasaka para maksimahin ang nakatiwangwang na lupa sa pagitan ng anihan para siguraduhin ang seguridad sa pagkain.

Ang “Tinang 93” ay inaresto dahil sa kanilang paggigiit ng kanilang karapatan sa lupa at kinasuhan ng “malicious mischief” at “illegal assembly.” Ayon sa pahayag ng SAKA, isang grupo ng mga artistang tigapagtaguyod ng reporma sa lupa, ang ilang mga opisyal ng PNP ay nangaakusa na ang mga New People’s Army (NPA) ang mga naaresto na mga magsasaka, advocates kabilang ang mga human rights workers at artista, mga mamamahayag. Ang mga akusasyong ganito ay napaka-delikado at isang porma ng red-tagging. Ang gawi ng PNP na ito ay nagpapakita lamang kung gaano katalamak at kalalim ang red tagging at anti-demokratikong kultura sa PNP.

Ang Malaya Movement USA ay nananawagan sa aming mga miyembro at mga alyado na patuloy na isulong ang Philippine Human Rights Act (PHRA) at makilahok sa darating na National Day of Action on June 14. Ang PHRA higit na kinakailangan habang papatindi ang mga atake at panghaharass ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Gayundin, ang Malaya Movement USA ay nananawagan sa aming mga miyembro at mga alyado na magpakilos ng suporta at mag-donate tungo sa pampyansa at iba pa na mga pangangailangan ng mga inarestong at makipagugnayan sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Ang pyansa ay kasalukuyang nagkakahalaga ng PHP 39,000 ($735) na may total na PHP 3.2 million ($61,000).

Bilang pangwakas, kami ay nangangalampag at nagbababala na ang kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas ay lumalala at lalong lalala sa ilalim ng paparating na rehimeng Marcos-Duterte. Huwag nating lubayan ang ating pagmamatyag at patuloy tayong mag-organisa at itulak ang isulong ang pakikibaka para sa tunay na demokrasya sa Pilipinas.

English

The Malaya Movement USA strongly condemns the mass arrest of at least 97 farmers and supporters in relation to the activity of agrarian reform beneficiaries (ARBs) in Brgy. Tinang, Concepcion, Tarlac morning of June 9, 2022.

We demand the immediate and unconditional release of all those who are detained. We also demand for the Philippine National Police (PNP) to stop these forms of harassment against the farmers and advocates. We likewise ask the Commission on Human Rights to ensure that the rights of those detained, their families, paralegals and lawyers are respected.

On the morning of June 9, the PNP disrupted a peaceful gathering of farmers who are members of Malayang Kilusang Samahang Magsasaka (MAKISAMA-Tinang), students and agrarian reform advocates in Bry. Tinang as they prepared to conduct collective farming (bungaklan). Bungkalan is a collective effort by peasants to maximize unused lands in between harvest seasons to ensure community food security.

The “Tinang 93” were arrested for asserting their right to land and charged with "malicious mischief” and “illegal assembly". According to the statement of SAKA, a group of artist advocates of land reform, some PNP officers accused those arrested who are farmers, peasant rights advocates including human rights workers and artists, and journalists, of being members of the New People’s Army (NPA). These comments are dangerous and are a form of red-tagging. This behavior of the PNP is very telling of how pervasive and deeply ingrained red tagging and the anti-democratic culture is in the PNP.

The Malaya Movement USA calls on our members and allies to continue pushing for the Philippine Human Rights Act (PHRA) and join the National Day of Action on June 14. The PHRA becomes even more urgent as brazen attacks and harassment from the Philippine National Police and the Armed Forces of the Philippines continues to increase.

Also, Malaya Movement USA calls on our members and allies to mobilize support and donate towards the bail fund and other needs in coordination with the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Bail was set for each individual at PHP 39,000 ($735), for a total of PHP 3.2 million ($61,000).

Lastly, we are raising the alarm that the human rights situation in the Philippines is getting worse and will continue to deteriorate under the incoming Marcos-Duterte regime. We must not let up our vigilance and continue to organize and push the struggle for genuine democracy in the Philippines.

Previous
Previous

Defend freedom of Expression!

Next
Next

REJECT MARCOS-DUTERTE! RESIST AGAINST TYRANNY!