Defend our votes! Defend Democracy!
In the past three weeks, we have received and documented countless cases of irregularities and voter disenfranchisement that our kababayan have experienced. More than two weeks delay in the casting of overseas absentee votes; more than twelve thousand ballots have been returned to sender; and many more irregularities.
Similarly, in the Philippines, as millions of Filipinos take to the polls to cast their votes, widespread reports of failure and malfunctioning Vote Counting Machines (VCMs) are already flooding in from the various precincts, rampant vote buying in favor of the Marcos-Duterte tandem, red tagging and harassment of opposition candidates and volunteers and election related violence.
Based on these reports, we believe that a massive and deliberate effort to disenfranchise voters and tilt the results of the elections in favor of the Marcos-Duterte tandem is underway. These issues are too widespread to be mere coincidences.
We, in the Malaya Movement USA, fully support the various Vigils for Democracy that are being organized in major cities across the United States. We call on all concerned Filipinos and allies to take to the streets or in front of Philippine Consulates and Embassies today and be on vigil until the election results are in.
Let us brace ourselves in the next few days and weeks. Let us be prepared to take action in defense of democracy against the Marcos-Duterte tandem.
Ipagtanggol ang ating boto! Ipagtanggol ang demokrasya!
Nitong nakalipas na tatlong linggo, nakita namin at na-document ang di mabilang na kaso ng mga iregularidad at iba-ibang porma ng voter disenfranchisement na naranasan ng ating mga kababayan. Mula sa dalawang linggo pagka-antala ng pagboto; hanggang sa labindalawang libong balota na isinauli sa mga konsulado at hindi natanggap ng mga botante, at marami pang iregularidad.
Gayun din, sa Pilipinas, habang milyun-milyong Pilipino ang tumungo para bumoto, dumadagsa ng ulat mula sa iba’t ibang presinto. Daan daang kaso ng pagkasira at hindi gumaganang mga Vote Counting Machines (VCMs), tahasang pamimili ng boto o vote buying para sa tambalang Marcos-Duterte, red tagging at pang-haharass sa mga kandidato ng oposisyon at mga volunteer, at karahasang kaugnay ng eleksyon.
Batay sa mga ulat na ito, naniniwala kami na may nagaganap na na malawakan at sadyang pag-disenfranchise sa mga botante upang ikiling ang eleksyon sa tambalang Marcos-Duterte. Masyadong malawak at marami ang mga issue para maging pagkakataon lamang.
Kami sa Malaya Movement USA ay buong sumusuporta sa mga inorganisang mga Vigils for Democracy sa lahat ng mayor na mga syudad sa Estados Unidos. Nanawagan kami sa aming mga kababayan at mga kaalyado na tumungo sa lansangan o sa harap ng mga konsulado at embahada ngayong araw at mag-vigil hanggang sa lumabas ang resulta ng eleksyon.
Ihanda natin ang ating mga sarili para sa mga darating na araw at linggo. Ihanda natin ang ating sarili na kumilos upang ipagtanggol ang demokrasya laban kina Marcos at Duterte.