Malaya Movement USA Statement on the April 23 US Wide Rally for Hope & Democracy
Pahayag ng Malaya Movement USA sa April 23 US Wide Rally for Hope and Democracy
Ang Malaya Movement USA ay tumitindig kasama ang libu-libo nating mga kababayan sa buong United States para sa US-wide Rally for Hope and Democracy, kasama ang daan libong mga kababayan natin sa Pilipinas na nagsasama-sama upang suportahan ang pagbabago. Tayo ay tumitindig para sa pag-asa laban sa kadiliman ng hinaharap. Tayo ay tumitindig para sa tunay na demokrasya laban sa diktadura at paghahari ng iilan.
Ang Malaya Movement USA ay pinagpupugayan ang lumalawak na pagkakaisa ng mga Pilipino sa buong United States. Ito ay isang malinaw na mensahe ng pagtutol sa rehimeng Duterte. Ito rin ay isang matinding deklarasyon na “never again to the Marcoses.” Kami sa Malaya Movement USA ay malaki ang tiwala na ang mga Pilipino sa United States ay todong ibabasura ang tambalang Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte sa balota at maghahatid ng makabuluhang boto para sa kandidatura ni Leni Robredo, Kiko Pangilinan at sa mga kandidato ng buong nagkakaisang oposisyon.
Mayroon nalamang tayong 16 na araw na natitira. Sa kabila ng mga naantala na mga balota, kawalan ng impormasyon at maraming pagsubok, ating igiit ang ating karapatang konstitusyunal na bumoto! Nananawagan tayo sa ating mga kababayan sa U.S. na sumandig sa diwa ng bayanihan, sa ating sama-samang pagkilos para mapagtagumpayan ang mga hadlang na nilikha mga kapalpakan ng COMELEC sa Overseas Absentee Voting. Hinihikiyat natin ang ating mga kababayan na mag-organisa ng mga sama-samang pag-deliver ng mga balota sa mga post office o drop box ng mga konsulado at embahada. Kailangan nating siguraduhin na ang bawat boto para sa oposisyon ay makarating sa mga konsulado at mabilang.
Ang eleksyon na ito ay hindi na lamang simpleng paghalal ng mga kandidato. Ito ay naging ekstensyon ng pakikibaka para sa mas magandang kinabukasan at mas maayos na Pilipinas. Kung kaya, ang susunod na dalawang linggo ay napakahalaga. Kailangan nating panghawakan ang ating lumalawak na pagkakaisa habang tayo ay nakikibaka para sa isang gobyernong rerespeto sa karapatang pantao, maninindigan para sa demokrasya at maggigiit sa ating soberanya. Sa ika-9 ng Mayo, hinihikayat namin ang ating mga kababayan na maglunsad ng mga vigil sa buong bansa hanggang lumabas ang resulta ng eleksyon. Nananawagan tayo ng mga Vigils for Democracy para bantayan ang ating mga boto, bantayan ang ating demokrasya, wakasan ang pagpapatuloy ng mga Duterte at panunumbalik ng mga Marcos sa Malakanyang.
The Malaya Movement USA stands with the thousands of our kababayans across the United States for the US-Wide Rally for Hope and Democracy alongside the hundreds of thousands of our kababayans in the Philippines who are coming together today in support of change. We stand for hope against the bleakness of the present. We stand for genuine democracy against dictatorship and the rule of the few.
The Malaya Movement USA commends the growing unity of Filipinos across the United States. This is a strong message of rejection against the Duterte regime. This is also a firm declaration of “never again to the Marcoses.” We in the Malaya Movement USA are confident that Filipinos in the United States shall overwhelmingly reject the tandem of Ferdinand Marcos Jr. and Sara Duterte in the polls and deliver significant votes and support for the candidacy of Leni Robredo, Kiko Pangilinan and the entire united opposition slate.
We have 16 more days to go. Despite the delayed ballots, lack of information and the many challenges, let us assert our constitutional right to vote! We call on our kababayan in the U.S. to turn to our bayanihan spirit, our own collective effort to overcome the obstacles created by the COMELEC’s mishandling of the Overseas Absentee Voting. We encourage our kababayans to organize ballot drop off activities in the post offices or in the drop boxes in the Philippine consulates. We must make sure that every vote for the opposition reaches the consulates and is counted.
This election is beyond simply electing candidates. It has become an extension of the struggle for a better future and a better Philippines. That is why the next two weeks will be crucial. Let us hold on to this growing unity as we continue the fight for a government that respects human rights, upholds democracy, and asserts our sovereignty. On May 9, we urge all of our kababayans to hold vigils across the country until the results are out. We are calling for Vigils for Democracy to guard our votes, to guard our democracy, to prevent the continuation of the Dutertes and the return of the Marcoses to Malacañang.