Justice for Atty. Juan Macababbad and all slain lawyers in the Philippines!
The Malaya Movement USA condemns the murder of Atty. Juan Macababbad, the 65th lawyer killed under the Duterte administration by unidentified gunmen outside his home in Surallah, South Cotabato on September 15th.
Atty. Macababbad was known as a fearless people’s lawyer and champion of human rights, serving as the Chairperson of the Socsksargen chapter of the Union of People's Lawyers in Mindanao (UPLM), the Vice Chairperson of UPLM, and a member of the National Union of Peoples' Lawyers (NUPL).
Prior to his killing, Atty. Macababbad received death threats as a result of his staunch human rights advocacy. For decades he handled cases of land conflicts and advocated for the rights of indigenous peoples and poor farmers fighting against the land grabbing of abusive large-scale corporations and landlords, the trumped up charges against community leaders opposing mining operations, and other environmentally destructive projects that encroached on the ancestral domains of indigenous people.
Members of the Malaya Movement have been personally impacted by the work of Atty. Macababbad. “While participating on an international fact finding mission in 2018 to investigate the Lake Sebu Massacre, I was detained by state authorities alongside 4 other colleagues and missionaries, and without question people’s lawyer, Atty. Macababbad, intervened and secured our safe release from detainment,” said Julie Jamora, Malaya Movement USA Secretary General.
Under Duterte, lawyers, judges, and other members of the judiciary are not spared from the climate of impunity. Less than a month prior to Atty. Macababbad’s murder, Atty. Rex Fernandez, also a member of NUPL, was killed in Cebu City on August 26. We hold the Duterte administration accountable for this climate of impunity. In just 5 years under Duterte, 65 lawyers have been killed in comparison to 92 lawyers who were killed in the span of 44 years, from the presidency of the late dictator Ferdinand Marcos to the previous president, Benigno "Noynoy" Aquino III.
The unrelenting attacks against the legal profession erodes the rule of law, in attempts to hinder the pursuit of justice for victims under the Duterte administration. It is imperative that lawyers and human rights advocates are able to conduct their work without fear of retaliation, state repression and assassinations.
The Malaya Movement USA expresses our deep commitment and support for the NUPL and people’s lawyers across the Philippines. We urge you to take action!
Demand Justice for Atty. Juan Macababbad and all slain lawyers in the Philippines
We call for solidarity from lawyers and Filipinos across the US to issue statements and register their condemnation and demand accountability from the Duterte administration
Urgently Pass the Philippine Human Rights Act: humanrightsph.org
Donate to the NUPL to support people’s lawyers here: tinyurl.com/Malaya4NUPL
Katarungan para kay Atty. Juan Macababbad at sa lahat ng pinaslang na mga abogado sa Pilipinas!
Kinukundena ng Malaya Movement USA ang pagpaslang kay Atty. Juan Macababbad. Siya ang ika-65 abogado na pinaslang sa ilalim ng administrasyon Duterte ng mga di kilalang salarin sa labas ng kanyang tahanan sa Surallah, South Cotabato noong ika-15 ng Setyembre.
Si Atty. Macababbad ay isang kilalang matapang na abogado ng bayan at kampeon ng karapatang pantao. Siya ay naglilingkod bilang Chairperson ng Socksargen chapter ng Union of People’s Lawyers in Mindanao (UPLM), ang Vice Chaierpson ng UPLM at miyembro ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).
Bago siya paslangin, si Atty. Macababbad ay nakatanggap ng mga banta sa kanyang buhay bilang resulta ng kanyang matibay na pagsusulong para sa karapatang pantao. Sa mga nagdaang dekada, hinawakan niya ang mga kaso ng tunggalian sa lupa at nagsulong ng karapatan ng mga katutubo at mahihirap na magsasaka na lumalaban sa pangangamkam ng mga dambuhalang korporasyon at panginoong maylupa. Nilabanan niya rin ang mga gawa-gawang kaso laban sa mga pinuno ng mga komunidad na tumututol sa operasyon ng pagmimina, at iba pang mga nakasisira sa kalikasan na mga proyekto na gumagapang sa mga lupang ninuno ng mga katutubo.
Ang mga kasapi ng Malaya Movement ay direktang saksi sa gawain ni Atty. Macababbad. “Habang kalahok sa isang international fact finding mission noong 2018 para imbestigahan ang Lake Sebu Massacre, ako ay dinetine ng mga kinauukulan kasama ang 4 na mga kasamahan at misyonaryo, at ng walang pagkukuwestyon, si Atty. Macababbad ay agad na kumilos para masigurado ang aming ligtas na paglaya mula sa pagkakadetine,” sabi ni Julie Jamora, Secretary General ng Malaya Movement USA.
Sa ilalim ni Duterte, mga abogado, hukom at iba pang miyembro ng hudikatura ay hindi ligtas mula sa walag tigil na paglapastangan sa karapatang pantao. Ilang buwan lang bago paslangin si Atty. Macababbad, si Atty. Rex Fernandez, isa ring kasapi ng NUPL, ang pinaslang sa Cebu City noong ika-26 ng Agosto.
Pinapanagot namin si Duterte sa walang tigil na paglabag sa karapatang pantao. Sa loob lamang ng limang taon sa ilalim ni Duterte, 65 na abogado na ang pinaslang kumpara sa 92 na abogado na pinaslang sa buong 44 na taon, mula sa diktadurang Marcos hangangg sa nakalipas na administrasyon ni Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ang walang tigil na pag-atake sa mga abogado at hukom ay lalong nagpapahina sa pagmamayani ng batas, sa pagtatangkang pigilan ang paghahabol sa katarungan ng mga biktima sa ilalim ng administrasyong Duterte. Mahalaga na ang mga abogado at mga human rights advocates ay magawa nila ang kanilang mga trabaho ng walang takot mula sa paghihiganti, panunupil at pamamaslang.
Ang Malaya Movement USA ay nagpapahayag ng aming malalim na komitment at suporta para sa NUPL at sa mga abogado ng bayan sa buong Pilipinas. Hinihikayat namin kayong kumilos:
Katarungan para kay Atty. Juan Macababbad at sa lahat ng mga pinaslang na abogado sa Pilipinas!
Nananawagan kami ng pakikiisa sa mga abogado at mga Pilipino sa buong U.S. na maglabas ng mga pahayag na kumokondena at nananawagan ng pananagutan mula sa administrasyong Duterte.
Agaran na ipasa ang Philippine Human Rights Act: humanrightsph.org
Mag-donate sa NUPL para suportahan ang ating mga abogado ng bayan: tinyurl.com/Malaya4NUPL