Malaya Movement USA congratulates Maria Ressa on winning the Nobel peace prize

The Malaya Movement USA congratulates Maria Ressa on winning the Nobel peace prize making her the first Filipino to be granted such an honor. This is a slap in the face of the Duterte regime who continue to persecute Maria Ressa, Rappler and other independent media and journalists in the Philippines.

Since Duterte took office in 2016, Rappler has reported on the conduct of the government exposing a track record riddled with corruption, state sanctioned violence, and repression which drew the ire of the Duterte regime. Ressa exposed how Duterte weaponized social media through his network of troll farms.

Because of this, Rappler’s reporters were banned from covering the president’s activities and even had their operating license revoked. Fabricated claims of Rappler disseminating mis/disinformation continued which only emboldened Duterte allies and supporters to harass and slander Maria Ressa, Rappler and its employees. Ressa even faced legal charges such as tax evasion, foreign ownership violations and cyber libel. It was not until this year in August did the case regarding cyber libel get dismissed.

The attacks on Maria Ressa and Rappler is not an isolated case and is a part of Duterte’s systematic attack on the press. According to the Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) and the National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), there have been 114 documented cases of attacks against media practitioners and journalists in the Philippines, including 19 killings.

It comes at a critical time when the Duterte regime is actively and aggressively employing misinformation to flood the people. This weakens democracies globally as it pollutes the atmosphere of information dissemination, blurring the lines between truth and fiction.

Ressa’s recognition as an advocate for freedom of press has inspired our membership who have been alongside her in this battle in defense of our democratic rights. In 2019, a combination of different community organizations and organizers hosted Ressa for a press conference in Northern California. Ressa was the keynote speaker at the first National Summit for Human Rights and Democracy in the Philippines. Ressa provided a keynote statement affirming the necessity for such advocacy here in the U.S. There she detailed the government’s weaponization of people’s access to the internet by funneling Filipino users into Facebook where they are much more susceptible to the rampant government misinformation.

We in the Malaya Movement USA will continue to stand with Maria Ressa, Rappler and all those who struggle for truth and freedom of the press. We call on our compatriots in the U.S. as well as our allies to continue to engage in ways that combat against the misinformation peddled by the Duterte regime as well as speak out against attacks on the press and independent media.

Defend Press Freedom!
Free all jailed journalists!
Fight against Duterte’s propaganda machine!

Binabati ng Malaya Movement USA si Maria Ressa sa kanyang pagkapanalo ng Nobel Peace Prize at pagiging pinakaunang Pilipinong na nabigyan ng ganitong karangalan. Ito ay isang malaking sampal sa rehimeng Duterte na patuloy na umaatake kay Maria Ressa, Rappler, at iba pang independent media at mga journalists sa Pilipinas.

Mula pa noong 2016 noong dumating sa Malacanang si Duterte, in-expose ng Rappler ang track record ng gobyerno na puno ng korapsyon, karahasan mula sa estado, pampulitikang panunupil na umani ng galit mula sa rehimeng Duterte. Ibinunyag din ni Ressa kung paanong kinakasangkapan ni Duterte ang social media sa pamamagitan ng mga troll farms nito.

Dahil dito, ang mga reporters ng Rappler ay pinagbawalan na mag-cover ng mga aktibidad ng president at binawi pa ang kanilang operating license. Ang gawa-gawang mga akusasyon na nagpapakalat ng kasinungalingan ang Rappler nagpatuloy na lalo lamang nagpalakas sa mga Duterte supporters na i-harass at sirain ang pangalan ni Ressa, ang Rappler, at mga empleyado nila. Humarap a nga ni Ressa sa mga kaso ng tax evasion, foreign ownership violations, at cyber libel. Nitong Agosto lamang na-dismiss ang kaso tungkol sa cyber libel.

Ang mga atake tungo kay Maria Ressa at sa Rappler ay hindi hiwalay na kaso sa halip ay bahagi ng sistematikong pag-atake ni Duterte sa press. Ayon sa Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at National Union of Journalists in the Philippines (NUJP), mayroong 114 na dokumentadong kaso ng pag-atake laban sa mga media practitioner at mamamahayag sa Pilipinas, kabilang ang 19 na pagpaslang.

Dumating itong Nobel Prize sa isang mahalagang oras na ang rehimeng Duterte ay aktibong nag papalabas ng misimpormasyon sa mga tao. Nagpapahina ito ng demokrasya sa buong mundo kasi pinaparumi nito ang kapaligaran ng pagpapalaganap ng impormasyon at pinapalabo nito ang pagitan ng katotohanan at kasinungalingan.

Ang pagkilala kay Ressa bilang tagapagtaguyod ng press freedom ay nagbigay inspirasyon sa mga miyembro ng Malaya Movement USA na kasama niya sa laban na ito para ipagtanggol sa ating mga karapatan. Noong 2019, isang kumbinasyon ng iba't ibang mga organisasyon ang nag-host kay Ressa para sa isang press conference sa Northern California. Si Ressa ang keynote speaker sa unang National Summit for Human Rights and Democracy in the Philippines. Nagbigay si Ressa ng pahayag na nagpapatunay sa pangangailangan para sa naturang adbokasiya dito sa U.S. Doon niya idinetalye ang kasangkapan ng gobyerno sa akses ng mga tao sa internet sa pamamagitan ng pag-direkta ng mga tao sa Facebook kung saan sila ay mas bulnerable sa talamak na maling impormasyon ng gobyerno.

Kami sa Malaya Movement USA ay patuloy na susuporta kay Maria Ressa, Rappler, at sa lahat ng lumalaban para katotohanan at kalayaan ng pamamahayag. Nananawagan kami sa ating mga kababayan sa U.S. at sa ating mga kaalyado na patuloy na labanan ang dis/misinpormasyon na inilalako ng rehimeng Duterte. Gayundin ay hinihikayat namin ang lahat na magsalita laban sa mga pag-atake sa pamamahayag at independyenteng media.

Ipaglaban ang press freedom!
Palayain ang mga bilangong mamamahayag!
Labanan ang propaganda machine ni Duterte!

Previous
Previous

Justice for Atty. Juan Macababbad and all slain lawyers in the Philippines!

Next
Next

Facebook must uphold community standards and dismantle the GRP terror-tagging machine