Malaya Movement USA demands truth and accountability in the Pharmally controversy
This past August, the Commission on Audit flagged various agencies for anomalous spending of their 2021 budget. Among those agencies is the Department of Health. This prompted the Senate to conduct an investigation that exposed the graft ridden deals of Pharmally worth billions of pesos. It is worth noting that Pharmally is connected to Duterte’s cronies: Michael Yang and associates.
Another notable point is the Duterte regime’s aggressive intervention, obstruction and lawyering for Pharmally. Currently, Duterte is threatening to mobilize the Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) to prevent any attempts of the Senate to arrest officials of Pharmally.
This is the reason for the failed pandemic response of the Duterte regime. Duterte and his cronies are too busy scheming on how to pocket billions of people’s money in the midst of this health crisis.
The Malaya Movement USA supports the continuation of the Senate investigation on the Pharmally controversy. We demand that the Duterte regime desist from obstructing the Senate investigation. Lastly, we call on the public to continue to demand for the truth and demand accountability from the Duterte government in this controversy.
Panawagan ng Malaya Movement USA para sa Katotohanan at pananagutan sa kontrobersyang Pharmally!
Nitong nakaraang Agosto, ang Commission on Audit ay pinuna ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno dahil sa mga kadudadudang paggastos nito ng kanilang mga pondo. Ito ang nagtulak sa Senado para maglunsad ng imbestigasyon na naglantad ng maanomalyang kontrata ng Pharmally na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso. Mahalagang ipunto na ang Pharmally ay kunektado sa mga kroni ni Duterte na sina Michael Yang at mga kasamahan nito.
Isa pang bagay na mahalagang ipunto ay ang agresibong pangingialam, panggugulo at pag-aabugado ng rehimeng Duterte para sa Pharmally. Sa kasalukuyan, ang nagbabanta pa si Duterte na pakikilusin daw ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para hadlangan ang anumang tangka ng Senado na arestuhin ang mga opisyal ng Pharmally.
Ipinapaliwanag nito ang isa sa mga pinaka malinaw na dahilan ng palpak na tugon sa pandemya ng rehimeng Duterte. Ito ay dahil hindi magkandaugaga sina Duterte at kanyang mga kroni sa pagmamaneobra kung paano maibubulsa ang bilyun-bilyong pera ng mamamayan sa gitna ng krisis pangkalusugan.
Ang Malaya Movement USA ay nagpapahayag ng buong suporta sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa kontrobersya kaugnay ng Pharmally. Ipinapanawagan namin na itigil ng rehimeng Duterte ang anumang pangingielam at panggugulo nito sa imbestigasyon ng Senado. Panghuli, nananawagan kami sa sambayanan na patuloy na igiit ang katotohanan at pananagutan mula sa rehimeng Duterte sa kontrobersyang ito.