Abolish NTF-ELCAC! Wakasan Na! Malaya Movement USA condemns state-sponsored red-tagging!
Lansagin ang NTF-ELCAC! Wakasan Na!
Kinukondena ng Malaya Movement USA ang state-sponsored red tagging!
English:
On September 14, 2021 the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) held a press conference with a Lumad student where they explicitly accused Malaya Movement USA and several other US-based organizations as terrorists. While this claim is unfounded, the consequences could be extremely harmful.
It is not the first time that our organization has been red-tagged and it will no doubt be the last. It is important to recognize this move by the Duterte regime and its lackeys in the NTF-ELCAC as a longstanding tactic used to delegitimize, destabilize, and endanger movements. It has led to murders and imprisonment of many human rights defenders and activists, especially under the Duterte regime.
This is very reminiscent of the Marcos dictatorship’s attempts to silence U.S. based activists in the past. It is very clear that the long arm of fascism has reached beyond the borders of the Philippines before and the Duterte regime has ensured that its fascism can be exported overseas through the addition of extraterritorial provisions within the Anti-Terror Law and through the partnerships between the PNP and US-based consulates.
We echo the demands of the Filipino people to dismantle and abolish the NTF-ELCAC now. The regime has requested even more funding for this wreckless institution for 2022, meanwhile COVID-19 continues to ravage the country and there is no relief in sight. As the regime prioritizes this witch-hunt, cases have hit all-time highs of 22,000 daily. It is imperative that we continue to expose these unwarranted and deadly accusations from the inept and tyrannical Duterte regime.
Our partners in Save Our Schools Network, SABOKAHAN, and so many other organizations are subjected to relentless attacks from the Duterte government, but Malaya Movement USA will not be deterred from supporting the righteous and just struggle of Lumad and indigenous peoples struggle for their rights and self-determination in the Philippines. Malaya Movement USA remains steadfast in our commitment to fighting for human rights and defending democracy for the Filipino people.
We denounce state-sponsored red-tagging!
We call for the abolition of the corrupt and dangerous NTF-ELCAC!
Pass the Philippine Human Rights Act to stop our tax dollars from funding these fascist institutions!
Filipino:
Nitong ika-14 ng Setyembre, 2021, ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay naglunsad ng isang press conference kasama ang isang Lumad na estudyante. Sa press conference na ito, lantaran nilang inakusahan ang Malaya Movement USA at ilan pang mga organisasyon na naka base sa U.S. na mga terorista. Habang walang batayan ang akusasyon na ito, malinaw sa amin na maaring magdulot ito ng matinding kapahamakan.
Hindi ito ang unang beses na red tag ang aming organisasyon at lalong hindi ito ang magiging huli. Mahalagang kilalanin ang pakana na ito ng rehimeng Duterte at ang kanyang mga galamay sa NTF-ELCAC bilang gasgas at lumang taktika. Ginagamit nila ito para siraan, guluhin, ipahamak ang isang kilusan. Nagbunsod ito sa mga pagpaslang at pagkulong ng maraming human rights defender at mga aktibista, lalo na sa ilalim ng rehimeng Duterte.
Ito ay nagpapaalala sa mga pagtatangka ng diktadurang Marcos para patahimikin ang mga aktibista na nakabase sa U.S. noon. Malinaw na ang mahabang galamay ng pasismo ay nakaabot lagpas sa hangganan ng Pilipinas at sinisigurado ng rehimeng Duterte na mai-eexport ito sa ibayong dagat sa pamamagitan ng extraterritorial provisions sa loob ng Anti-Terror Law at mga partnership ng Philippine National Police (PNP) at mga konsulado nito.
Nakikiisa kami sa panawagan ng sambayanang Pilipino para lansagin at ibasura ang NTF-ELCAC ngayon din. Ang rehimeng Duterte ay nais pang magdadag ng pondo sa walang pakundangan na institusyong ito para sa 2022. Ito ay sa kabila nang patuloy na pagragasa ng COVID-19 sa ating bayan at walang pagginhawa ang natatanaw. Habang inuuna ng rehimen ang kanyang pangwiwitch-hunt, pumalo na sa 22,000 ang arawang kaso ng COVID-19.
Mahalagang ilantad at labanan ang mga walang katotohanan at nakamamatay na akusasyon ng inutil at tiranikal na rehimeng Duterte.
Ang aming mga kaibigan sa Save Our Schools Network, SABOKAHAN, at marami pang ibang mga organisasyon ay patuloy na inaatake ng gobyernong Duterte. ANg Malaya Movement USA ay hindi mapipigilan sa pagsuporta sa wasto at makatarungang pakikibaka ng mga Lumad at mga katutubo para sa kanilang karapatan at sariling pagpapasya sa Pilipinas.
Ang Malaya Movement USA ay nananatiling matatag sa komitment nito na ipaglaban ang karapatang pantao at ipagtanggol ang demokrasya para sa sambayanang Pilipino.
Labanan ang state-sponsored red-tagging!
Lansagin ang kurakot at mapanganib na NTF-ELCAC!
Ipasa ang Philippine Human Rights Act at itigil ang pagpapadala ng ating buwis para pondohan ang mga pasistang institusyon!